yup, im not related to anyone famous

My photo
an over opinionated guy who exercises(or better yet abuses) the constitutional freedom of speech

Saturday, February 13, 2010

history 101




1 year sa nursery - tanda ng pagtigil sa pagdede sa tsupon at pag-iyak ng walang humpay kapag iiwan na ko ni mommy sa school, dito ko natikman ang pait ng "ma-bully"; namemorize ko ang "Angel of God my guardian dear" at "Hey diddle diddle the cat and the fiddle"



sumayaw sa tugtog ng iba't ibang nursery rhymes at humawak ng giant letters para iispell ang kung ano man ang occassion sa event na iyon. letter "M" ako noong Christmas at G noong graduation day.




1 year sa kindergarten - namulat ang mata sa nakakastress na pagsusumikap na makakuha ng "star" galing kay ma'am. Ininda ko din ang pagsusuot ng mighty kid na sapatos at pagamit ng batibot knapsack na para bang may bumubulong ng "isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim... anim na butiki, nagtago sa dilim" at nagtatanong ng "alin, alin, alin ang naiba? sabihin kung alin ang naiba"




6 years sa elementary - dito nahubog talaga ang talas ng aking pagiisip



dito ko namemorize ang bayang magiliw na later on ay nalaman ko na lupang hinirang pala ang title, ang panatang makabayan, ang panunumpa sa watawat ng pilipinas, ako ay pilipino at exercise na my background music na elephant walk. di ko man ginusto na tumatak sa isip ko ang mga ito, required kasi na gawing daing ang mga estudyante sa school namin, ewan ko, siguro nasa mission statement ng school namin na gawing mukhang tuko na may sakit na TB ang mga bata dun...



natutong tumahimik kapag nakatingin si ma'am at kaibiganin ang tagalista ng noisy, standing, shouting, laughing, sleeping at breathing para di mapalo ng ruler sa palad or mapagsulat sa isang pad na papel ng i will not be _________ again in class.



tiniis ang baho ng katabi mong ang tingin sa desk ay toilet bowl.



grade 4 ng mamulat ako sa makulay na mundo ng pulitika. na elect ako as class president. oo, nanalo ako dahil sa endorsement ng teacher ko. cyempre hindi nakapalag sina classmates. wala silang nagawa. absent ako noong election, landslide. panalo ako. 2 months later, pinapalitan ako ni ma'am.



nakilala ko ang iisa sa mga mortal kong kaaway, si S-TV-IO-DO.



ipinarada ang mga lantang gulay noong nutrition day...



nauso ang family computer. namayagpag ang magkapatid na sina mario at luigi. bida din si pacman. hindi siya nanununtok. kumakain lang ito ng sangkaterbang pellets at kapag nakalulon naman ng malaking pellet, isinasama nya na rin sa menu ang iba't ibang kulay ng lumulutang na tela. nung bata pa ako, sa bahay na ng kalaro ko ako tumitira. every morning bago magmumog or toothbrush, diretso nako dun sa kabilang bahay para makapag contra, street fighter at tetris. uuwi lang ako pag hapunan na kasi masama na ang tingin sakin ng lola ng kalaro ko. after some time, bumili na si erpat ng sarili kong family computer. WOHOOO! sabi ko sa sarili ko, di nako makikihiram sa kalaro ko. di ko na kailangan pang deadmahin ang bulungan ng parents ni playmate kapag pinaguusapan nila ako. hindi ko na din kailangan pang tiisin ang gutom ko kapag 2:00 na ng hapon, di pa ko tinatawagan sa bahay para kumain ng tanghalian. kinabukasan bumili naman sina playmate ng nintendo game station. mas madaming new games, mas realistic. the next day, kasabay na ulit nila ako magbreakfast. apir!




pinagsagot ako ng exam na photocopied. pinagbayad ng Po.25 para sa xerox kahit na amoy world war 1 na yung papel. bawal sulatan o magusot ang testpaper dahil gagamitin pa ng ibang sections. sisingilin din sila ng P0.25 pagkatapos...




kumain ng burgor - isang weird na klase ng champorado. semi-modern version ng nutri bun. para daw sa mga payat na malalaki ang tiyan.



dito ko rin unang narinig ang mga kwentong kalokohan na ang bida ay sina maria, jose at pedro.




hindi laging pwedeng kaibiganin ang mga tagalista ng klase. kapag kinausap mo sila, tatarahan ang tabi ng pangalan mo. kada tara, piso, pag limang tara, kailangan mong magbayad ng floorwax, pili ka na lang ng brand. exon or xplus. dapat red para makintab.




kapag pumapasok sa classroom, dapat may baon kand dalawang basahang bilog. ito ang tatapakan mo habang nasa loob ka ng klase. bawal kasi magdumi ang sahig. kung walang dalang basahan, kailangan naka medyas ka lang para paguwi mo, mapapagkamalan ka ng ikaw si Ronald Mcdonald sa pula ng medyas mo.




sumulat sa slumbook. sinagot ang tanong na what is love, and who is your crush. dito mo ilalagay ang pangalan ng hinahangaan mo kahit ayaw mo itong ipaalam sa iba. dito rin masusukat kung bata ka pa lang utak kuto ka na... sa baba ng slumbook kailangan ding magpathank you sa may ari nito... friend, thanks for the space! ritual ito ng mga musmos...




kumain sa canteen elbow macaroni na nilagyan ng mainit na tubig. kung tawagin ng iba soup, ako di ko alam ang tawag kasi di ko din alam ang lasa.



natapos kong malampasan si S-TV-IO-DO, umahon mula sa kailaliman ang isa pa sa mga mortal kong kalaban... si fraction. (horror music background)




sumulat ng "what i did last summer vacation" sa sulating impormal or informal writing.



bilang boyscout, nakapag camping din ako. sa field nga lang ng school. ang survival in the wild test namin ay ang pagiihaw ng hotdog on stick at marshmallow. necessity kasi ito sa wild.



sa kaunaunahang pagkakataon, nagkaroon ng computer laboratory sa school namin. batch namin ang unang gumamit ng mga brand new units. hindi pa uso ang windows 2000, xp o vista

ang mga programs pa ay lotus 123, lolo sa tuhod ng excel; w0rdstar - lola sa alak-alakan ng microsoft word. tuwang tuwa na din ako sa games na may pumapatak na letters sa screen tapos itytype mo yung letters/words bago ito mag-reach sa base mo para di ko ma-gameover. nabihasa ako sa pagamit ng commands na dir/w, cls at cd windows.



nag first communion, pero syempre, una ang pangungumpisal, takot akong sabihin kay "father" ang mga ginawa ko, baka kasi may sabwatan sa pagitan nila ni ma'am. baka isumbong ni father kay ma'am na ako ang kumukuha ng mga laruan na nasamsam nya at itinago sa drawer nya na hindi naka-lock... naniwala din sa sabi-sabi na makasalanan ka kapag kumapit ang ostia sa ngala-ngala.





inenjoy ang very nutritious meal na maggi me and my mug. nabibili ito ng 2 pesos kina ka amie dati, ngayon obsolete na. nandyan din ang ibing ang healthy meals ko tuwing recess.





  • mik-mik (red) milk powder - dapat may straw kapag kinain, kasi pag wala, mukha kang espasol pagkaubos ng laman ng pack. coll din noon na mag style nagyoyosi habang pinapapak ito.


  • pom-pom - 1 peso each, walang lasa, walang kwenta. rumored na may free na brief at panty


  • stay fresh - candy na mukhang bala ng pellet gun. pwede ring gawing air freshner ng c.r.


  • peter pan - parang cornbits pero mas healthy kasi habang kinakain mo yung laman, sumasama sa daliri mo ang design at kulay ng plastic nito... mmmm healthy!


  • dragon chocolate - bago pa nauso ang iba't ibang brand ng chocnut, may dragon na. P0.25 lang ang isa.


  • adobong mani na may hotsauce - oo! hotsauce! actually, hindi naman talaga ito pinagbibili, ako lang ang naka-isip na gawin ito. magkatabi kasi ang nagtitinda ng mani at pizza, pinaghalo ko and then poof! it became coco crunch! isang patunay na may napakataas akong IQ level na pwedeng ikumpara sa isang sedimentary rock.


  • ramen - konti lang ang nakakaalam nito. P5.00 ang isa. parang hilaw na lucky me pancit canton na nilagyan ng 1 1/2 na drum ng monosodium glutamate or vetsin.


  • fox's eclair - ito ang candy na pasosyal noon. transparent... mas sumasarap kapag naarawan na kasi mahirap ng ilabas sa pack... ewww sticky!!!


  • iced gem - isang weird na pagkain. kailangan lang kainin ang nasa ibabaw ng tinapay, tapos ibabalik sa plastic para ipamigay sa katabi


  • stork- ito ang lolo ng starr na candy ngayon. iba pa ang packaging, kulay green na din pero pinilipit na plastic lang ang lalagyan, di katulad ngayon na sealed na. rumored na nakakabaog.


  • snow bear - lasang stork pero mas matapang. mas malaki din siguro ang possibility na mabaog ka dito.


  • viva - kulay brown ang balat, brown din ang laman, caramel flavor tapos may chocolate sa gitna. kasing kulay din nito ang ngipin ng mga batang nasobrahan sa candy.


  • kendi mint - una, di ko sure sa spelling ng pangalan ng candy na ito, pangalawa, ito ang "cross breed" na candy, pinaghalong stork at viva. minty on the outside, chocolatey in the inside.


  • captain sid - butong pakwan, may tv ad pa na sumasayaw na pirata. hindi ito ang first choice ko sa mga ngut-ngutin. hirap kasi akong magbukas ng mga buto, so sinusupsop ko lang yung buto tapos binabalik ko ulit sa plastic. isang tip lang, wag kang tatabi sa akin kapag ito ang kinakain ko kung ayaw mong malasahan ang laway ko na parang kumiss ka sa akin ng "gums to gums"


  • ding-dong - nag debut sa merkado noong kabataan ko, muli, isa din ito sa mga weird na pagkain kasi pipiliin mo pa ang gusto mong kainin, gaya ng nuts, pero yung mga green peas, ititira mo matapos mong gambolin para ipamigay kina classmates.


  • sour ball - sino ba naman ang hindi nakakaalam ng candy na ito? hanep sa packaging, naka box pa! P5 lang ito noon. iba't ibang kulay, lahat mabibilog, bida ito tuwing christmas party kasi pag nalimutan mong bumili ng gift for the party, ready na kagad ang sour ball para maging express gift. kung minsan, panalo pa kasi ready na nakagiftwrap na kagad ito.


  • magic candy - sobrang liit na bilog na candy, tinawag umano itong magic candy sa taglay nitong hiwaga. dumidikit kasi ito sa plastic kapag kinakalog ito. ito rin ang inilalagay sa maliit na tube na kasama ng mg mumurahing toys.


dito ko din nakilala ang mga classmates kong may weird na pangalan. nandyan sina aso; manananggal; tuod; kabayo; bangag; tenga at mata. kung minsan, may nakapangalan din silang teacher, depende sa mood ng estudyante at kung may exam or absent si ma'am.



nagsuot ng kwintas na may green na rectangular pendant. dito nakasulat ang pangalan mo o ng crush mo(kung corny ka). may second option para dito, pwede namang sa singsing ilagay ang desired name. alambre lang ito na ni-liko liko. ung iba, saktong hard core, ginagawa naman itong "do it yourself" retainer ng ngipin.



nag-field demo. ito yung time na lahat ng teachers ay parang nakainom ng 23 cups ng coffee. lahat hyper, lahat high blood. busy silang lahat na ituro sa mga bata ang steps ng sayaw na ipeperform kasabay ang lahat ng estudyante. pero mas busy sila sa pangongolekta ng overpriced na costumes at props.



anim na beses na nagchristmas party. ito naman yung time na one month before the actual party ay nagpapaorder na ng pagkain. optional kung gusto ng klase na may dumapong higanteng pulang bubuyog sa classroom nyo, dapat lang mas madaming order.



exchange gift - isa sa mga pinakaayaw kong scam tuwing pasko. bakit ba sapilitan kang pabibilhin ng bagay na sa palagay mo ay magagamit o ikakasaya ng taong itinadhana sa iyo ayon sa maliit na papel na nabunot mo? mageeffort ka na magisip, pumili at pumila sa napakahabang linya ng nagpapagift wrap ng mga regalo para sa monito mo. nandyan pa yung hassle na kailangang magkasya ang pera mo sa "limit" ng exchange gift. for example, 100 ang napagkasunduan, P99 lang ang t shirt na ireregalo, dapat, lagyan mo ng piso ang loob ng gift mo.



isa pa sa christmas party, kapag opposite sex ang nabunot mo, abangan mo na ang kantyaw ng "kiss" nina classmates. ok lng siguro ito noon kasi di pa uso ang malisya.



kisses - sino ba ang makalilimot sa mystical na bagay na ito. mahalimuyak. makulay. hindi nakakain - trust me. promise. kakaibang pet. kailangang ilagay sa isang lalagyan na puno ng bulak. aabangan mo na itong dumami through reproduction - supposedly. kapag sobrang laki na ang kisses mo, pregnant na ito umano.



sumayaw sa saliw ng katutubong tugtugin na get down ng backstreet boys, dr jones ng aqua at tootsie roll ng di ko alam kung sino bang ethnic group ang kumanta.



kumanta ng "malayang luzon, malayang visayas, malayang mindanao, malayang bansa, sabay sabay nating isigaw sa mundo, na tayo ay malayang pilipino" nung graduation day.






me, myslef and i

me, myslef and i
whoa! i can see my self in here... cool...