
ipinarada ang mga lantang gulay noong nutrition day...
inenjoy ang very nutritious meal na maggi me and my mug. nabibili ito ng 2 pesos kina ka amie dati, ngayon obsolete na. nandyan din ang ibing ang healthy meals ko tuwing recess.
- mik-mik (red) milk powder - dapat may straw kapag kinain, kasi pag wala, mukha kang espasol pagkaubos ng laman ng pack. coll din noon na mag style nagyoyosi habang pinapapak ito.
- pom-pom - 1 peso each, walang lasa, walang kwenta. rumored na may free na brief at panty
- stay fresh - candy na mukhang bala ng pellet gun. pwede ring gawing air freshner ng c.r.
- peter pan - parang cornbits pero mas healthy kasi habang kinakain mo yung laman, sumasama sa daliri mo ang design at kulay ng plastic nito... mmmm healthy!
- dragon chocolate - bago pa nauso ang iba't ibang brand ng chocnut, may dragon na. P0.25 lang ang isa.
- adobong mani na may hotsauce - oo! hotsauce! actually, hindi naman talaga ito pinagbibili, ako lang ang naka-isip na gawin ito. magkatabi kasi ang nagtitinda ng mani at pizza, pinaghalo ko and then poof! it became coco crunch! isang patunay na may napakataas akong IQ level na pwedeng ikumpara sa isang sedimentary rock.
- ramen - konti lang ang nakakaalam nito. P5.00 ang isa. parang hilaw na lucky me pancit canton na nilagyan ng 1 1/2 na drum ng monosodium glutamate or vetsin.
- fox's eclair - ito ang candy na pasosyal noon. transparent... mas sumasarap kapag naarawan na kasi mahirap ng ilabas sa pack... ewww sticky!!!
- iced gem - isang weird na pagkain. kailangan lang kainin ang nasa ibabaw ng tinapay, tapos ibabalik sa plastic para ipamigay sa katabi
- stork- ito ang lolo ng starr na candy ngayon. iba pa ang packaging, kulay green na din pero pinilipit na plastic lang ang lalagyan, di katulad ngayon na sealed na. rumored na nakakabaog.
- snow bear - lasang stork pero mas matapang. mas malaki din siguro ang possibility na mabaog ka dito.
- viva - kulay brown ang balat, brown din ang laman, caramel flavor tapos may chocolate sa gitna. kasing kulay din nito ang ngipin ng mga batang nasobrahan sa candy.
- kendi mint - una, di ko sure sa spelling ng pangalan ng candy na ito, pangalawa, ito ang "cross breed" na candy, pinaghalong stork at viva. minty on the outside, chocolatey in the inside.
- captain sid - butong pakwan, may tv ad pa na sumasayaw na pirata. hindi ito ang first choice ko sa mga ngut-ngutin. hirap kasi akong magbukas ng mga buto, so sinusupsop ko lang yung buto tapos binabalik ko ulit sa plastic. isang tip lang, wag kang tatabi sa akin kapag ito ang kinakain ko kung ayaw mong malasahan ang laway ko na parang kumiss ka sa akin ng "gums to gums"
- ding-dong - nag debut sa merkado noong kabataan ko, muli, isa din ito sa mga weird na pagkain kasi pipiliin mo pa ang gusto mong kainin, gaya ng nuts, pero yung mga green peas, ititira mo matapos mong gambolin para ipamigay kina classmates.
- sour ball - sino ba naman ang hindi nakakaalam ng candy na ito? hanep sa packaging, naka box pa! P5 lang ito noon. iba't ibang kulay, lahat mabibilog, bida ito tuwing christmas party kasi pag nalimutan mong bumili ng gift for the party, ready na kagad ang sour ball para maging express gift. kung minsan, panalo pa kasi ready na nakagiftwrap na kagad ito.
- magic candy - sobrang liit na bilog na candy, tinawag umano itong magic candy sa taglay nitong hiwaga. dumidikit kasi ito sa plastic kapag kinakalog ito. ito rin ang inilalagay sa maliit na tube na kasama ng mg mumurahing toys.
dito ko din nakilala ang mga classmates kong may weird na pangalan. nandyan sina aso; manananggal; tuod; kabayo; bangag; tenga at mata. kung minsan, may nakapangalan din silang teacher, depende sa mood ng estudyante at kung may exam or absent si ma'am.
nagsuot ng kwintas na may green na rectangular pendant. dito nakasulat ang pangalan mo o ng crush mo(kung corny ka). may second option para dito, pwede namang sa singsing ilagay ang desired name. alambre lang ito na ni-liko liko. ung iba, saktong hard core, ginagawa naman itong "do it yourself" retainer ng ngipin.
nag-field demo. ito yung time na lahat ng teachers ay parang nakainom ng 23 cups ng coffee. lahat hyper, lahat high blood. busy silang lahat na ituro sa mga bata ang steps ng sayaw na ipeperform kasabay ang lahat ng estudyante. pero mas busy sila sa pangongolekta ng overpriced na costumes at props.
anim na beses na nagchristmas party. ito naman yung time na one month before the actual party ay nagpapaorder na ng pagkain. optional kung gusto ng klase na may dumapong higanteng pulang bubuyog sa classroom nyo, dapat lang mas madaming order.
exchange gift - isa sa mga pinakaayaw kong scam tuwing pasko. bakit ba sapilitan kang pabibilhin ng bagay na sa palagay mo ay magagamit o ikakasaya ng taong itinadhana sa iyo ayon sa maliit na papel na nabunot mo? mageeffort ka na magisip, pumili at pumila sa napakahabang linya ng nagpapagift wrap ng mga regalo para sa monito mo. nandyan pa yung hassle na kailangang magkasya ang pera mo sa "limit" ng exchange gift. for example, 100 ang napagkasunduan, P99 lang ang t shirt na ireregalo, dapat, lagyan mo ng piso ang loob ng gift mo.
isa pa sa christmas party, kapag opposite sex ang nabunot mo, abangan mo na ang kantyaw ng "kiss" nina classmates. ok lng siguro ito noon kasi di pa uso ang malisya.
kisses - sino ba ang makalilimot sa mystical na bagay na ito. mahalimuyak. makulay. hindi nakakain - trust me. promise. kakaibang pet. kailangang ilagay sa isang lalagyan na puno ng bulak. aabangan mo na itong dumami through reproduction - supposedly. kapag sobrang laki na ang kisses mo, pregnant na ito umano.
sumayaw sa saliw ng katutubong tugtugin na get down ng backstreet boys, dr jones ng aqua at tootsie roll ng di ko alam kung sino bang ethnic group ang kumanta.
kumanta ng "malayang luzon, malayang visayas, malayang mindanao, malayang bansa, sabay sabay nating isigaw sa mundo, na tayo ay malayang pilipino" nung graduation day.
No comments:
Post a Comment