yup, im not related to anyone famous

My photo
an over opinionated guy who exercises(or better yet abuses) the constitutional freedom of speech

Friday, January 1, 2010

first day of da year

hihirit pa ako... saktong bitin yung kagabi eh...

every first day of the year, ritual na itong mga bagay na ito na hindi maaring hindi gawin...

here i go again...


1. pagkatapos manood ng mga naputukan, (lalo na ng sa fountain, woohoo!) kailangan ding panoodin
ang mga "new year babies". dito iniinterview yung mga losyang na mga babae. ikaw ba naman kakapanganak
pa lang iinterviewhin ka kagad, walang make up ni ligo! astig!

2. pagkagising, basahin ang lahat ng generic messages na may peaceful, blessed and prosperous na
words. mas exciting kung number lang ang lalabas sa mobile phone mo kasi obligado kang magreply ng "hu u po?"
djahe talaga...

3. necessity din na manood ng tv programs na may guest na "experts" na ang linya ay laging "ang mga
ito ay gabay po lamang at tayo mismo ang may hawak ng ating sariling kapalaran"

- ang akin pong interpretation, "walang kwenta ang lahat ng sinabi ko, wag paniwalaan"

4. kailangan na ding palitan ang mga nakasabit na kalendaryo. masaya ito kasi makikita mo na naman yung
malalaking numbers na kulay red and blue at cyempre bida din ang apat na klase ng moon... lahat may
faces at nakangiti... ito yung mga kalendaryo na hiningi ng mama mo sa mga contstruction supply.

5. sa umaga kailangang mamulot ng mga hindi pumutok na firecrackers... punit punitin ito at ipunin
ang pulbura, sa hindi ko maiexplain na dahilan, madalas ko itong ginagawa dati. tatayo ako malapit sa
mga inipon na pulbura tapos kapag sinindihan ito, uusok ang mga ito sabay sigaw ng DARNA!!! bakit darna?
isa pa rin itong misteryo na bumabagabag sa akin hanggang ngayon... siguro dahil masyado ng mahaba ang
"wonder woman"

6. hardcore na ito... yung iba hindi lang yung "darna effect" ang ginagawa. hahanap pa ng mas maraming
pulbura para mas malaki... ito yung mga taong gustong permanent na naka "peace sign" yung kamay nila
kasi dalawang daliri na lang ang natitira sa kanila, (hinlalaki at hinliliit), idol!

7. muntik ko ng makalimutan, pagkatapos ng putukan kagabi, kailangan sabay sabay mangulangot ang mga tao.
ikaw ba naman ang humithit ng alikabok sa gitna ng putukan??? habang nanonood ng balita, nagsusundot
kulangot ka naman! di ba healthy living!!!


huli na talaga bago ako manahimik ulit...

sa kakapanood ko ng tv parang my nakuha akong psychic ability, kaya ngayon im officially a "psycho"

so what i'm going to do now is try to predict the future...

****mystic musical background****

nakikita kong malabo ang hinaharap mo kasi pinagtuunan mo ng panahong basahin ang walang kwentang
mesnsaheng ito... kapag naniwala ka sa kahit 1 bagay sa mga sinulat ko, kailangan mo ng magpatingin
sa dentista mo, may tumubong ngipin sa utak mo kaya di na yun masyadong gumagana.

lucky color for the year - yellow teeth

lucky number - let x = the missing number
2x^4-15x^3+18x^2=0 Solve for x

peace sa inyo, apir mga pare at mare!

No comments:

me, myslef and i

me, myslef and i
whoa! i can see my self in here... cool...