yup, im not related to anyone famous

My photo
an over opinionated guy who exercises(or better yet abuses) the constitutional freedom of speech

Thursday, December 31, 2009

mga tradisyong pinoy tuwing bagong taon

at nagsimula na nga po...

umaga pa lang ng Dec 31 nagsimula ng magingay ang mga magagaling na bata bilang pagsalubong sa bagong taon.
gamit ang mga nakakairitang torotot. nakakatawang isipin na sa buong maghapon, walang humpay nilang hihipan
ang nasabing torotot sa tangkang pakatasin ang utak ko palabas ng aking tenga, tapos pag sapit ng 12:00 midnight
nakabulagta lang sila at mahimbing na natutulog habang ang mga matatanda ang sumabstitute sa pagiingay.

ayos.. hapi new year! apir!

iba't ibang tradisyon, iba't ibang pamahiin, at syempre iba't ibang kawirdohan... yan ang new year para sa akin.
iexplain ko lang side ko... kapag ang isang bagay ay naiiexplain lang sa linyang ganito - "para sumuwerte" - yun
kawirdohan yun...

1. nandyan na ang walang kamatayang pagsusuot ng polka dots na damit, cyempre para sumuwerte, yun daw mga bilog
bilog ng polka dots symbolizes money, particularly coins... kadugtong nito yung pagsusot ng iba ng stripes para
daw di lang coins kundi bills na ang pumasok sa pagdating ng bagong taon.

2. para sa mga pandak, pagkakataon na upang lokohin muli ang sarili na may pagasa pang dala ang bagong taon sa
paniniwalang sa paglundag nila on 12:00 midnight. mga pare at mare, ang solusyon dyan, tuli at high heels.

3. bilog na prutas. kailangan daw more than twelve (so thirteen?) ewan ko, di ko alam, sa pamilya ko, di kami
nakakaabot sa double digits na mga prutas. bakit? typical kasi...

nagtanong ako sa mga pinaka pinagkakatiwalaan kong mga tao sa office (ibig sabihin yung mga nauto ko; guard,
co-teller, and messenger) ng 13 prutas na bilog in two minutes.

as expected, di nila nakumpleto.

this year ako ang nakatoka na mamili ng para sa meja noche (di ko alam and spelling). tinanghali ako as usual
at cyempre mga pinagpilian na lang ang mga naabutan ko! apir ulit! nagtry ako maghanap ng 13 round fruits at eto
lang ang naispatan ko.

1. orange 5pcs (napanalunan ko sa raffle sa office)
2. apple 2 pcs (kasama din ito sa raffle... sayang hindi bilog ang saging)
3. ubas 1/4 kilo (mahal din)
4. chiko 1 plastic (bubot pa ang nabili ni pare)
5. castanas 1/2 kilo (nagoyo akong bumili, langya, lasa rin lang naman palang buto ng langka!)
6. melon 1 pc (buti nakahabol pako, ung iba puro pasa na kasi nga late na ako!)
7. pina 1 pc (di ko alam kung bilog din ito, pero sabi ng iba bilog daw kasi ang mata, kaya un)
8-13 ??????

ung ibang family kumpleto ung 13, (yata?) pero kami laging bitin...
dito pumapasok ung mga tanong, ang sibuyas ba at bawang prutas? eh ang kamatis? pag may five pcs ka bang orange at
2 pcs na apple, 6 na lang ang kulang na prutas? dillema ng karamihan sa atin.

so kapag counted ang kamatis, bawang at sibuyas, magsama na din ng toyo at suka, igisa for five minutes...
kapag golden brown na ang bawang, pwede nang alisin sa apoy at ihilamos ang natirang mantika. bakit? para swerte cyempre


4. kailangan merong barya sa bulsa at kalugkalugin... so kapag wala kang bulsa, wala kang pera the whole year round.

5. maglinis ng buong bahay at pagsapit ng 12 mn, buksan ang lahat ng bintana at papasukin ang nakakaubong amoy ng pulbura
at makapal na alikabok na dala nito... cyempre, para swerte... tsk tsk...

6. ito di ito ginagawa sa bahay namin, siguro dahil walang mahilig sa amin sa grapes...magbitin ng grapes sa pinto
hanggang sa magnukha itong tae ng kambing... di ba ayos, pag may mamasko sayo, baka matu-turn off na di sila tutuloy
kasi may tae ka ng kambing sa pinto, ayus! apir!

7. isa pa, magpagulong ng prutas sa sahig, muli para swerte! sabay kain kung hindi pa nalalamog... isang tip,
maghanda na ng kremil S at imodium.

8. ang tradisyonal na paglabas sa kalsada at panonood ng fireworks ng kapitbahay, tapos papapicture pagsinindihan
na ang fountain ni neighbor para "cool" ang background! isabay mo na din ang healthy na paglanghap ng tetano-filled
na hangin dulot ng pulbura!

9. sikat din na tradisyon... ang hindi sabay sabay na 12 mn ng magkakapitbahay. di mo malaman kung kaninong orasan ang
susundin.

10. pagkatapos ng pagsalubong, tipunin ang pamilya sa living room at buong sayang manood ng mga kamay na naputukan
para ganahan kumain... apir!


trivia: paborito ko yung mga napuputukan ng "safe" na fountain... grabe parang sinulid lang ang itinitira sa braso...
power move! apir ulit!

di ko pa din maintindihan kung bakit ipinagbawal na ang boga (improvised canon). para sa akin safe to kasi
kakalabitin mo lang naman di ba? kaya may nasasabugan nito eh dahil may mga utak kuto na di mo maintindihan
ang laman ng kokote kasi ba naman, sisilipin muna ang butas ng boga sabay kalabit ng gatilyo, syempre ang
resulta para kang nag pa derma - face removal...

inilabas na ng mga kapitbahay ko ang mga component, at iba pang sound systems nila... ayus, pagkakataon ko na
ding makiagsabayan sa mga nakakabingi kong sounds, problema, ung stereo namin katunog ng latang pinapalo ng batang
wala pang muwang... so i switch to plan b... plan b, makinig sa sounds ng kapitbahay.

isang oras na lang 2010 na, sa makatuwid less than 2 years na lang ako makakapag prepare at magipon ng 1 billion euros
para makabili ng ticket at pumunta sa china... ung di makarelate, suggest ko iumpog mo na lang ang ulo sa ref...

11. meron pa nga pala kaming isa pang prineprepare, yung limang garapon na may bulak, asin, asukal, bigas at tubig.
walang definite time span yung tagal na ididisplay mo ang "5 elements". isang clue lang kung kelan to pwedeng alisin -
kapag wala ng space para sa iba pang kiti-kiti ang garapon ng tubig.

12. isa pang di ko rin maintindihan eh yung paniniwala ng mga pinoy sa mga "paswerte" ng chinese. naniniwala ang
karamihan sa atin dito kahit di natin alam ang origin at tunay na kahulugan ng paniniwalang chinese. isang patunay dito
ay ang parami ng parami na mga hayop sa ibabaw ng piano namin, may dragon, may ox, may baboy at iba pa, dagdagan mo pa ng
konti, may zoo na kami sa living room.

13. kailangan full tank ang lahat ng sasakyan, ang jeep, kotse at bike... kung sa bagay swerte nga to kasi di ka aabutan ng pagtataas ng presyo next week di ba?

14. nga pala, may kalamay at mga kakanin din kami sa hapag kainan, sayang wala nga lang tikoy na may amag, ito day ay para sa family para malagkit daw ang pagmamahalan, actually, ako ayaw ko nito sino ba namang eng-eng ang my gusto ng malagkit na relationship? parang di naligo ang kapartner mo sa lagkit, ayuz!

15. cyempre, mawawala ba naman ang new year's resolution? ito yung time para ipagsigawan sa mundo yung mga bagay na gusto mong gawin na imposible namang mangyari.

No comments:

me, myslef and i

me, myslef and i
whoa! i can see my self in here... cool...