Pasko na!
Madaling araw ng ika-8 ng mga huling sandali ng taong 2008, Monday, ko sinusulat ang post na to at mejo napaisip kung ilang araw nalang ang natitira bago tayo magpalitan ng regalo, makipag kodakan kasama ang pamilya at minamahal, magpaka-lasing sa dami ng aya ng barkada sa mga krismas party at makipag-plastikan sa mga kapitbahay natin habang nag aabutan ng kalamay at fruit basket with matching bati ng "Meri Krismas neighbor".
All the while ngiting aso ka.
In actuality ang talagang gusto mong sabihin ay, "******a ka, yung pagparada mo sa kalye, ayusin mo para di nakaharang sa gate namin. Ang hirap mag maniobra." or "Irereport kita sa barangay ****p ka kung masyadong malakas ang Bidyoke mo tulad ng nakaraang taon kung saan di ako nakatulog".
Hahahaha.
Ang saya talaga ng paskong Pinoy di ba?
Lumalamig narin ang panahon at pahirap nang pahirap ang paggising sa umaga. Mas mahirap lalo na ang pag-ligo sa madaling araw sa paghanda papuntang trabaho o eskwela!
Alam ko ang pakiramdam na nagko-contemplate ka ng matagal (mga 15 minutos) bago mo buhusan ng tubig sa iyong sarili o buksan ang shower dahil kapag na-daplusan na ang katawan mo ng tubig yelo gawa ng panahon,parang kasal, jusko, there's no turning back at panindigan mo na sya!
Eto yung tipong uurong ang scrotum mo sa lamig at kahit gaano ka ka-gifted, magmimistulang naka steroids ka sa liit at nawawala parang makahiya ang pototoy mo.
Instant Man-gina.
From experience tho, mas mainam magbuhos ka ng tabo with matching pa-talon talon sa loob ng banyo kaysa unti unti mong papa-gapangin ang tubig shower, na ang daloy ng tubig ay parang ihi sa lakas, sa katawan mo. Hasel yun!
Don't get me wrong. Excited na may halong lungot, nostalgia at saya ang paskong Pilipino para sa akin.
Kung iisipin nyo, kakaiba talaga dito sa mahal kong Pilipinas.
Masarap obserbahan ang galaw ng tao, tradisyon, kulay, amoy, pakiramdam, 13th month pay, bonus, drama ni ermats, inuman, exchange gift, telebabad sa crush pagkatapos ng pagsalubong, perya, post krismas kitaan ng barkada, tawag ni kuya o ate galing abrod, pag-uwi ni erpats galing saudi na ang dalang pasalubong ay drakkar parin, at kung ano ano pang katangian that makes our Christmas unique.
Ergo, heto ang listahan ko kung gaano ka-pinoy ang Pasko.
Kung gusto nyong dagdagan, hala, go! Kaya tayo nandito sa Eskinita!
Eto...
- Bigla nalang bumabait ang mga all year round na masungit na gwardiya ng mga subdivision at magically nguingiti sabay may hawak na 'donation box'. Except sa Alabang kung san karamihan sa kanila ay masungit.
- Gumagawa ka ng listahan ng mga inaanak mo at kini-kuwistyon mo kung dapat mo ba talagang gastusan tong batang to sa pagbili ng laruang alam mo namang mawawasak bago matapos ang taon.
- Hasel sumipot sa Krismas party ng barkada at lahat sila may regalo sayo dahil lahat may girlfriend na nag asikaso ng pag shopping ng mga giveaways at nakalagay sa card, 'To: Logan, from Blah and Blah' na parang mag-asawa, habang ikaw na mukhang tanga, walang dala dahil ang pinunta mo lang yung tsibog at toma.
- Kung bata ka at malapit nang magbigayan ng regalo sa ilalim ng plastik na krismas tree, isang katutak pa na picture taking ang mangyayari bago mo mabuksan ang regalo. Kadalasan, ite-test pa ang pasensya mo kasi may Noche Buena pa at kailangan mong kumain muna. Torture yun pre.
- Next day, suot ang bago mong baro o sapatos, bibisita ka sa mga lolo at lola mo kung saan makikipag kwentuhan ng walang katapusan ang mga magulang mo (erpats kainuman mga tito mo, ermats, tsismisan sa mga tita mo), habang ikaw, batong bato na at gusto mong umuwi at mag-compare ng gifts sa barkada mong kapitbahay. Si ate, walang sawa ang pagtext sa boypren o manliligaw. Bago celphone nya.
- Ang presidente, may Christmas speech sa TV. Mga 30 minutos na syang nagsasalita, ang nagreregiter lang sa utak mo ay "bullshit. bullshit. and more bullshit"
- Di ka maka-concentrate sa Sibang gabi kasi malakas ang halimuyak ng bibngka at Puto Bungbong na mukhang tae ni Grimace. Umiispat ka rin ng mga chikas o boylets. Mga bagets nasa labas. Mga matatanda sa loob. Mga tulad ko, walang paki at masarap ang tulog dahil sa inuman kagabi.
- Lahat ng mall may 3-day Sale. Ikaw na last minute shopper dahil late dumating ang 13th month at Bonus mo para di ka magresign sa November, sa dami ng tao, nasasabi mo sa iyong sarili na, "Mahirap talagang paniwalaan na nagihirap ang Pilipinas".
- Sa 168 divisoria ka na nagsha-shopping. Budget mong P2000, mistulang Santa Klaus ka sa laki ng supot ng pinamili mo.
- Habang stuck in traffic ka, yung mga vendor sa kalye nagbebenta ng mga Santa hats na may ilaw na powered ng 9-volt battery na gawang Tsina.Ang halaga, P150 na natatawaran na ng P100 pag berde ng traffic light.
- Ume-eskapo si kuya ng mga ala-1 ng umaga para pumunta sa bahay ng barkada para either mag inuman o mag jutes. Uuwi sya ng alas 5 at gigising ng mga 7 para maghanda sa pagpunta kay lolo't lola. Nakasimangot all throughout si kuya at naka shades.
- Di mawawala ang Lechon manok sa hapag kainan.
- ....fruit salad, buko pandan salad, leche flan at gulaman na sari-saring kulay din!
- May text na galing sa mga numerong di mo naman kilala. Kadalasan forwarded na generic pa. May mga 'blessed' 'peaceful' 'meaningful' Christmas quotes pa silang nalalaman.
- Pinipilit kang magsuot ng pula ng nanay mo imbis na yung typical itim na suot mo lagi sa iyong pag-simba.
- Kung mayaman ka at may koneksyon, sa baguio kayo ng pamilya para feel na feel ang lamig ng pasko. May fog pa. Pag exhale mo, parang sa pelikula na may usok effect na kunwari nasa european contry. Naks!
- Di mawawala sa balita ang nasunugan ng bahay dahil sa Christmas lights na mumurahin na gawang Tsina.
- Kina-umagahan, walang tao sa basketbol court kasi lasing o puyat ang lahat ng tambay. Sayang, itetesting mo pa naman sana ang bago mong bola at maganda pa ang kapit ng regalong toga ng ermats mo. Puting puti pa at wala pang galos. Isputing!
- Bida sa kahit na anong pasko ang baby. Yung pamangkin mong kyut na kyut ang responsable sa pagpapangiti sa pamilya. Sarap kuhanan ng letrato ang mga miyembro ng pamilya habang nagpapakyut sila sa baby. Ampanget kadalasan. Papalakpak sila sabay motioning na kuwari kakargahin nila ang bata.
- Nagiging matumal ang 'regalo count' habang tumatanda ka.
- Kung pulis ka o army, papaputok ka ng isang magasin ng baril sa gitna ng inuman para mas masaya.
- May Parol ang bahay mo!
O sya, mejo may idea na kayo ha!
Masakit na mata ko at tinatamad na akong mag isip.
Kayo nalang ang bahalang magpatuloy nito at mag-dagdag mga Pre.
Masasabi ko lang, walang katulad na sarap ang maging Pinoy, lalong lalo na't Pasko!
Sa susunod na pag-poste ko!
Apir!

No comments:
Post a Comment