humingi ka na ba ng sign?
oo, sign... hindi yung "aso lang ang iihi dito" o "slow men at work" ha! yung sign na hinihingi from up above kapag may matinding desisyon kang kailangang harapin...
may mga kakilala akong adik sa mga ganitong bagay pero personally hindi masyadong mabenta ito sa akin. bakit? kasi tayo mismo ang gumagawa ng paraan para matupad kung ano mang sign ang hinihingi natin, halimbawa...
EXHIBIT I
may nakita kang damit sa mall na sa tingin mo ay sobrang ganda at feeling mo na kapag naisuot mo ito ay kamukha ka na ni angelica panganiban, pero at the same time nagiipon ka ng pera para pang regalo mo sa ermats mo na malapit na ang birthday. eto na, out of the blue naisipan mong humingi ng sign. para bang may ray of light na gumuhit sa gitna ng mall (parang kay santino) na nagsasabing hingi ka ng sign... syempre magiisip ka na. dito pumapasok ang pagkabias ng isang tao: "kapag nakakita ako ng bata na kumakain ng ice cream, bibilhin ko yung damit...." saan naging bias? mapapansin mo na lang na doon ka na nakatambay sa tindahan ng ice cream at doon lang nakatitig... kaya ang resulta, kiss na lang ang pabirthday mo kay ermats...
EXHIBIT II
may matagal ka ng manliligaw na "saksakan...." saksasakan ng pangit. pero for the longest time, wala ka namang ibang manliligaw kundi siya lang talaga. nagtatanong ka na kung dapat mo na ba siyang sagutin o maghihintay ka pa sa prince charming mo o tiis ka na lang sa manliligaw mong mukhang lamang lupa. syempre, hihingi ka ulit ng sign. ganito naman, sasagutin ko na itong si "Bogard"(hindi tunay na pangalan), nakatira sa tabangao, (hindi tunay na address) at (hindi rin tunay na tao) kapag may nakasalubong kang classmate mo noong elementary, nakasuot ng maroon na t-shirt at magbibigay sayo ng 100 peso bill na may serial number na KA784039. very probable... resulta, may manliligaw ka pa ring maligno. bias ka kasi...
EXHIBIT 3
saktong bored ka na sa trabaho mo at naisipan mong mag-apply sa ibang company. mas mataas ang sahod pero mas malayo sa bahay nyo. hindi ka na naman makapagdecide at muli, sinubukan mo ang kapangyarihan ng "i saw the sign, when i opened up my eyes i saw the sign." ang hinihingi mo naman ngayon ay isang tao na magaalok sayo ng pagkain "out of nowhere". ikaw namang utak kuto, dun ka tatambay sa canteen malapit sa friends mo na kumakain... result, nagpapamedical ka na sa company b.
ako, iba ang approach ko sa mga ganitong bagay. last month naisipan kong magpakalbo. bagama't tutol ang sambahayan at sambayanang pilipino sa nais ko, nagpunta ako sa barber shop. pinaupo ako sa chair, nilagyan ng tissue sa leeg, kinoberan ng malaking tela ang katawan at tinanong... "sir ano pong gupit?" "ahm, semi-kal po, uno." sagot ko. "naku sir nawawala po ang clipper namin, hindi po namin kayo magugupitan" - yun na ang sign. klaro. (pero one week later nagpakalbo pa din ako... dun sa barberya na walang amnesia sa gamit ang barbero)
matagal ko nang gustong bumili ng isang item sa mall noon. ready na ako, lumigo na ako kahit once in a blue moon ko lang ito ginagawa, naglagay pa ng johnson's baby cologne para mabango kasi baka may mga chickas na makasalubong sa mall. djahe naman kung mas mabantot pa ako sa atangya di ba? bago makaalis ng bahay, nabalitaan ko na gumuho ang tulay papuntang mall... yun na. klaro. sign. (yung item na sinasabi ko ay may nakasabit pa ding for sale hanggang ngayon)
pero sa lahat ng "sign" na pinakaaplicable para sa akin ay yung pinaka obvious. mas malinaw pa sa contact lens. nasa loob ka ulit ng mall, may nakita kang item na sobrang gusto mo. pinagdadasal mo nang magkaroon ka nito kahit noong nanonood ka pa ng power rangers at ewoks sa abs-cbn channel 2. kaso isang sign ang tumambad sayo. walang laman ang iyong bulsa, chineck mo ang wallet mo, wala din, naalala mo ang secret pocket (na alam mo din naman) ng wallet mo, alikabok na lang ang bumati sayo; ang hsbc, citibank, visa at mastercard mo lahat sagad sa limit na. ayun ang sign. kahit magligalig ka na parang bata habang pinapadyak ang paa, wala talaga.
hindi naman ako against dito sa paghingi ng sign, ang problema ko lang ay nagiging biased tayo depende sa kung gusto ba natin ang isa sa mga choices kaya inclined tayo na gawing madali o mahirap o imposibleng makita/mangyari ang sign na hinihingi.
kaya ang payo ko, toss coin na lang... peace!
chatz out!
No comments:
Post a Comment