patapos na nga ang summer at hindi pwedeng palampasin ito ng hindi bumabanat si pare...
outing... dagat, lake, spring, pool o kanal... basta tubig talu talo na! kahit saan mo gusto basta mababasa ka, pwede na. basta maibsan ang init na nararamdaman ng katawan. pero djahe naman kung solo flight ka lang lalabas
di ba?
siyempre hindi pwedeng mawala ang tropa!
ang misyon ko, isa-isahin sila...
1. adolf hitler - siya ang pinaka punong abala sa pagtawag, pagtetext, page-email at sending out smoke signals. kapag ito na ang nagsalita, pakiramdam mo hindi ka na nakatira sa pilipinas dahil sa kawalan ng democrasya.
no choice ka na talaga.
2. mr excitement - siya ang pinaka excited (parang talanding usa) na sumama sa get-away ng tropa. two months before the outing pa lang, naka-ready na ang mga gamit niya. sunod kay hitler, kinukumusta niya lagi ang tropa kung lahat ba ay makakasama. bumibili din siya ng isusuot na damit at isinusuot niya kaagad ito one week before the actual outing, para pag dumating na ang mismong araw, mag papabango na lang siya ng johnson's baby cologne.
trivia: kaaway niya si ms cogon
3. ms cogon - excited din siya sumama, kakarinig nya pa lang sa invites, nag-coconfirm na kagad siya sumama pero one week later, decline na din due to numerous reasons (e.g. nagka-kulani sa kilikili; nagka-yais sa singit; nagkaroon ng herpes)
trivia: ang mga ms cogon ng tropa ang madalas pag-usapan sa kwentuhan kasi wala siya... kawawang nilalang...
4. drunken master - upon hearing na may outing na binabalak, ang tanong nya kaagad ay kung pwede mag dala ng hard drinks. cya rin ang may hawak sa sacred book of wine mixing na iniingatan ng mga greeks at egyptians. alam nya lahat ng mixtures ng alak na pwedeng tunggain...
trivia: masigla siya sa gabi ng outing, kabaligtaran naman pagkagising kinabukasan, para siyang sinapian ng kaluluwa ni let x=?
5. let x=? - siya ang pinaka problemado sa tropa. lahat na lang ng mali ay nangyari sa kanya. tipong ang pakiramdam nya ay nakatapak ng jerbs habang naglalakad, tapos na-iputan pa ng kalapati sa noo, tapos bukas pa ang zipper...
ganun ka tindi. siya ang may pasan ng mundo. kapag nagkwentuhan na ng masaya ang tropa tapos kinumusta mo si let x=?, bigla kayong magkakaroon ng suicidal tendency dahil sa life story niya. pang MMK Xtreme palagi ang mga banat nito.
trivia: lagi siyang malungkot pero lagi din naman siyang kasama sa mga gimik ... saktong weird din ito...
6. momay - siya ang kasama mo, pero hindi. oo, magulo. kasi ba naman, para cyang may sariling mundo. sala sa katext nya si bf/gf, kausap nya naman ito maya-maya. kapag tinatanong siya kung ano opinion nya sa pinaguusapan ng grupo, tatango lang siya o ngingiti kasi wala talaga siyang idea sa pinaguusapan nyo.
trivia: kaya lang siya isinama ng tropa para lumiit ang hatian sa bayad...
7. nostalgia - siya ang taga-ingat ng lahat ng memories ng grupo. designated siya na magkwento ng lahat ng pinagdaanan ng tropa. kahit anong tanong basta ang intro ay "naaalala mo pa ba yung ....." sigurado masasagot nya yun, including the date, persons involved at issues behind that certain event. ang tanong ko lang ay bakit ganun nya na lang kamahal ang memories. may iba pa ba siyang nalalaman? alam nya kaya na hindi na si gma ang president?
8. dream boy - pinsan ni momay, pero mas malufet. as in himndi mo man lang mararamdaman ang presensya nya... andun siya sa kwarto, tulog... kaya din siya isinama, same reason kay momay: mas mura ang hatian.
9. "foto-ops" - naka peace sign, naka laban sign, jump shot, stolen, wacky. flash dito, flash doon - yan ang mga senyales na malapit lang siya sayo. walang pinalalampas na pagkakataon itong si foto-ops. lahat ng angle, lahat ng position, may shot siya. simula sa sign board na bumabati sa mga guests ng resort hanggang sa pagkain na nakahain sa table, lahat may picture siya.
trivia: siya ang pinakapopular sa grupo, hindi dahil sa good looking or mabait or mayaman siya. gusto lang ng iba na ma-extra sa picture, sayang kasi opportunity.
10. GSP - magtanong ka kung sino ang may dala ng pambukas ng lata... meron siya.kung sino ang may dala ng asarol... meron din! nasa kaliwang bulsa ng bag niya. yung my zipper. yun andun nga! si GSP ang ideal na kasama ng lahat ng may alzeimer's disease. lahat ng nakalimutan mo, dala niya. talagang sinusunod nya ang slogan na - laging handa!
11. MyxMo - ang dj, vj, at minsan kj ng tropa. siya lang ang may karapatan na makialam ng sounds na kailangang pakinggan ng grupo. may dala siyang speakers, mp3 at mp4 player, ipod, lap top, walkman, cassette tape player at betamax. kahit anong gusto mong kanta, meron siya. from the latest nina justin beiber or lee dewyze to the first ever hits ng the platters. meron siyang maiingay na slapshock hanggang sa mga chilax ni michael buble. as in kahit ano... renz verano at april boys meron din... nasa folder din ng mga mp3 nya ang dayang dayang at shalala.
trivia: kung ayaw mong masira ang samahan nyo ni sound freak, guluhin mo na ang buhay nya, sunugin mo na ang bahay nila, wag mo lang guguluhin ang playlist niya. ni 'wag mong pagiisipang pindutin ang "next" button kundi para kang nagdeclare ng world war III. just leave his music alone...
12. junk shoppe - siya ang may dala ng lahat ng chichiria o junk foods... dapat siyang iwasan kung ayaw mong magkaroon ng kidney stones... mapapansin mo din, lahat ng binili niya, siya lang ang nakakaapreciate...
13. A.S.A. XV - eto, kabilang ako dito... self confessed... ang mga A.S.A. XV ang mga walang pakialam sa pagoorganize ng trip ng tropa. basta alam ang date ng gimik at kung saan ang tagpuan, talu talo na! ang dala lang ng mga A.S.A. XV ay isang underwear at isang towel, ung iba nya pang gamit gaya ng extra shirt, toothpaste at toothbrush, hihiramin na lang... nice... extra bonding! swerte na rin kapag nahagilap mo ang mga A.S.A. XV sa oras ng bayaran. talo pa ng mga ito si hudini sa galing sa disappearing act...
pero kapag may isang nawala sa tropang ito, iba na ang dating... saktong gloomy mode na, hindi dahil sa mamimiss mo sila, kundi mahal na ang hatian!
basta ang mahalaga, enjoy lang each others company, enjoy life as if it is the last day the God has given us! live life to the fullest! bili kayo ng herbal food supplement sakin... mura lang, presyong divisoria...
happy la nina guys!
chatz, out!
No comments:
Post a Comment